Balik-tanaw Basahing mabuti ang bawat pahayag. Isulat ang letrang T kung tama, at M naman kung mali. 1. Bumalik ang pangatlong anak na lalaki at humingi ng paumanhin sa mga ginawa niyang kasalanan (Parabula ng Alibughang Anak) 2. Sumama ang loob ng panganay na anak sa kaniyang ama at kapatid dahil kahit kailan sa buong buhay niya ng paglilingkod ay hindi siya napaghandaan nito. (Parabula ng Alibughang Anak) 3. Ang pagsulat ng sariling akda ay kasanayan sa pakikipagtalastasan na naisatitik ang mga nakalap na impormasyon mula sa pagbasa. (Recuba, et.al 2000) 4. Ang kakayahang linggwistiko ay abilidad ng isang tao na makabuo at makaunawa nang maayos at makabuluhang pangungusap. 5. Sa pagsulat mo ng sariling akda, nararapat na ipakita ang kakayahang makalikha.