Respuesta :
Answer:
Itinatag ang kilusang propaganda noong 1872. Ito ay naitatag dahil sa pagbitay sa tatlong pari na sina Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora (Gomburza).
Ano ang Kilusang Propaganda?
Ito ay isang kilusan sa Barcelona, Espanya na itinatag ng mga ilustrado sa Madrid.
Layunin ng Kilusang Propaganda
Pantay na pagtingin sa bawat Pilipino at Kastila sa harapan ng batas.
Kilalanin ng mga Kastila ang Pilipinas bilang bahagi at lalawigan ng bansang Espanya.
Makaroon ng kinatawan ang Pilipinas sa Cortes ng Espanya.
Pagkakaroon ng sekularisasyon ng mga parokya sa Pilipinas.
Ipagkaloob sa mga Pilipino ang karapatang pantao at kalayaan sa pagsasalita.
Mga Opisyal ng Kilusang Propaganda
Pangulo- Galicano Apacible
Pangalawang Pangulo- Graciano Lopez Jaena
Ingat Yaman- Mariano Ponce
La Solidaridad
Ang La Solidaridad ay pangalan ng opisyal na pahayagan ng kilusang propaganda. Ang ibig sabihin ng La Solidaridad ay “the solidarity”. Ito ay unang inilathala sa Barcelona, Espanya noong Pebrero 15, 1889. Nalathala sa pahayagang ito ang mga katiwalian sa kolonya ng Pilipinas. Nabuhag ito dahil sa kaubusan ng pondo. Dahil dito umalis sa grupo si Jose Rizal at unti-unting naglaho ang kanilang samahan.
Tatlong bahagi ng dyaryong La Solidaridad
1. Pampolitika – Ito ay pinangunahan ni M.H. del Pilar
2. Panitikan – Ito ay pinangunahan ni Mariano Ponce
3. Rekreasyon – Ito ay pinangunahan ni Tomas Arejola
Layunin ng La Solidaridad na pahayagan
Itaguyod ang malayang kaisipan at kaunlaran.
Mapayapang paghingi ng mga repormang pulitikal at panlipunan.
Ilarawan ang kaawa-awang kalagayan ng Pilipinas upang gumawa ng mga hakbang ang Spain na ayusin ang mga ito.
Explanation:
CAN I GET BRAINLIEST