Answer:
Napakaganda ng kwento na lumalarawan sa pamumuhay ng tao noong unang panahon, ang pagpapahalaga sa ating kinamulatan, ang pagtitiis sa hirap, ang patuloy na pagtulong, pag-aruga at pagkalinga sa kabila ng hirap ng buhay. Naalaala ko tuloy ang aking ina kung paano sa pagtitinda sa palengke ng gulay ay nairaos nya kaming magkakapatid bagamat tatlo lamang sa amin ang nakapagtapos ng pag-aaral. Lubhang napakadakila ng puso ng isang INA nasa kabila ng katandaan ay walang kupas ang pagmamahal nya sa mga anak. Kung ako isa sa mga anak, siguro ang mas pipiliin kong pamana ang mas pinakamahalaga sa lahat ang instrumento na bumuhay para sa amin ang "gilingang-bato". Tulad ng may akda ako rin ay bunso sa siyam na magkakapatid na kung di dahil sa paalaala ng aking mahal na Ina ay hindi magtatagumpay sa pakikipagsapalaran sa buhay na ito. Purihin natin ang dakilang gawa ng ating mga magulang, pakamahalin natn sila dahil bagamat sila'y matanda na sila ang nagtiis at nagpagal para sa atin upang tayo ay maitaguyod.