ANG APAT NA KASARIAN NG PANGNGALAN
Kasariang panlalaki - kasariang tumutukoy sa mga hayop o tao na lalake.
Kasariang pambabae - kasariang tumutukoy sa mga hayop o tao na babae.
Kasariang di-tiyak - kasariang maaaring tumutukoy sa babae o lalake.
Walang kasarian - mga pangngalang tumutukoy sa mga bagay, pook, pangyayari, at iba pa na walang kasarian.
ANG TATLONG KAILANAN NG PANGNGALAN
Kailanan isahan - tumutukoy sa pangngalang likas na nag-iisa lamang ang bilang.
Kailanang dalawahan - tumutukoy sa pangngalang may dalawang bilang.
Kailanang maramihan - tumutukoy sa pangngalang may bilang na maramihan.
Ang pangngalan ay napaparami sa pamamagitan ng paggamit ng pantukoy, pang-uri, pamilang, at panlapi.